Wednesday, March 18, 2009

Kapwa ko Engineer

Matagal akong nawala. Ako'y nagbabalik mga kapwa ko Engineer. Sabi ko nga sa sarilli ko, "nga pala napapabayaan ko na ang blog ko."

Asar. Hehehe. Cesar Asar.

Sabi nga ng kaibigan kong holdaper, hirap daw ng trabaho niya ngayon dahil sa krisis na pinansyal sa US. Pati mga hinolholdap niya apektado. Hahaha. Joke lang! Wala akong kaibigan na holdaper.

Hirap ng buhay talaga. Halos lahat ng kompanya apektado. Dito sa Rizal madami na ding natanggal sa trabaho. Masyadong malawak ang epekto ng Crisis sa US.

At ang nakakagulat nito ang US may utang na sa China. Kakaiba. Ganoon na ba sila kahirap? Sa China na sila may utang.

Siyempre lahat, kahit engineer natatanggal sa trabaho. Makikita mo sila, nagbibilang na lang ng poste dito sa Rizal.

Sana naman, itong taon na ito, mahinto na ang financial crisis.