Friday, April 17, 2009

Kaibahan ng First sa Second

Naisip mo na ba ito? Bakit ang 1st placer namumuhay lang ng pangkaraniwan at ang second placer, madalas ay mayaman kaysa sa 1st placer? Kung bakit ang salutatorian sa School ay madalas tagumpay sa buhay kumpara sa valedictorian. Kung bakit ang 2nd place sa engineering board exam ay nagiging mas nakakaangat sa naging topnotcher sa licensure exam nila.

Alam mo ba kung bakit? Dahil may gusto pang patunayan ang second placer. May gusto pa siyang abutin. May inaasam siyang tagumpay. Uhaw siya. Samantalang ang first placer, maaga siyang nakuntento. Ang akala niya narating na niya ang tugatog ng tagumpay.

Isang magandang araw mula sa Rizal.

0 comments:

Post a Comment