Akala nila numero lang ang engineering. Computation, pagsusukat, pag-i-estima, ang akala nila ganoon lang kasimple. Ganoon nga ba? Malay ko. Hehehe.
Napapanood ko sa TV ang Extreme Engineering. Magaling ang mga ginagawa nila doon. Ipinapakita nila ang mga nangyayari at kung gaano kahirap imaniobra ang mga proseso ng pagkakagawa. Maikukumpara mo ang mga ginagawa dito sa Pilipinas. Kung gaano sila ka-advance kumpara sa atin.
Magaling ang mga engineer sa Pilipinas. Ang problema lang kung ikucompare mo sa ibang bansa, mas may pagkakataon sila na makakuha ng experience sa paggawa ng mga katulad ng mga nasa TV. Experience sa paghawak ng proyektong makabago, iyon.
Isa sa itinuturo noong bata pa ako na uunlad ang Pilipinas. Pero tignan mo't engineer na ako't lahat, ganoon pa din tayo kahirap. Kahit sa larangan ng enhinyero, apektado. Ba eh, wala tayong pagkakataon, walang tsansa dahil wala eh, kung tulad din lang ng mga ibinoboto natin ang hahawak sa ating bansa wala tayong mapapala. Dolyar pa ang kinukurakot ng mga pulitiko natin dito sa Pinas.
Iyon, proud na proud pa sila. Proud sila na ang mga engineer sa Pilipinas ay nangingibang-bansa. Ano nga naman ang aasahan mong kita dito sa Pinas. Ikumapara mo sa suweldo ng engineers sa ibang bansa. At proud na proud pa ang lider natin sa kahirapan ng bansa.
Ewan ko nga ba.
Thursday, February 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment