Kumusta sa lahat. Ako ay masaya at nahanap mo ang aking blog. Ito ang una kong post.
Unang una. Fresh na fresh.
Ako si Engr. Cesar Asar. Macho, guwapo at matangkad. Daw. Ako ay naninirahan sa Rizal. At alam niyo, ang nagtratrabaho bilang engineer.
Ang blog na ito ay tungkol sa aking pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ay tungkol din sa aking mga problema, mga reklamo, kainisan, kalokohan at mga kamalasan.
Dito mo din mababasa ang morubdob kong lovelife. Kung paano ako manligaw at dumiskarte. Kung paano ako lumusot sa makikipot na butas.
Mababasa mo din ang tungkol sa aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Siyempre kasama na din ang aking mga kaaway.
Ako si Cesar Asar at ito ang aking blog.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment