Wednesday, February 11, 2009

Engineer at ang Syensya ng Albularyo

Sa mga darating na mga taon, ang ating mundo ay magpapatuloy na mahaharap sa pang-ekonommiya at pangkalikasang mga problema. Paano tumutugon ang engineering at teknolohiyang engineer na edukasyon, sa pangangailanagan ng mga tao at mundo?

Iyan ang tanong. Ang tanong na hindi ko din alam ang sagot. Nyok nyok nyok!

Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa albularyo. Madalas nating nadidinig ito sa albularyo.

Ah nalamigan iyan. Tara, hilutin ko iyang bukol na iyan.

Ang malas nito, natural na reaksyon ng katawan na balutin ang mga problemadong cells, nana o mga toxic product para hindi lumala. Lalo na kung kanser.

Malimit na gawin ng albularyon ay hilutin ang bukol hanggang sa mawala. Hayon, pumutok ang bukol. At ang laman ng bukol, kumalat sa daluyan ng dugo. Ang resulta, kumalat ang laman nito.

Paano na kung kanser iyon? Kakalat ang cancer cells sa ibang parte ng katawan.

Ito ang dahilan kung bakit nakakasama kung minsan ang ginagawa ng mga albularyo.

Kailangan natin ng edukasyon tungkol sa mga bagay na ito. Hindi sapat na dahilan na porke Engineer ang trabaho eh hindi na natin aalamin ang mga bagay tungkol sa science ng pagka-albuaryo.

Gumising mga kaibigan. Lahat ng enhinyero ay dapat magkaisa. Asahan ninyong sisimulan ko ang ating layunin, sa aking probinsya. Ang probinsya ng Rizal.

Hanggang sa susunod na post. Ako si Cesar Asar. Naglilingkod.

0 comments:

Post a Comment