Monday, January 4, 2010

I'm Back!

Happy New Year! Tagal kong hindi nagblog. 2010 na. Madami ang nagbago. I hope magiging matagumpay ang buhay ninyong lahat itong 2010.

Malapit na ang eleksyon. Nonoy-Mar ang iboboto ko. I hope manalo sila.


Wednesday, September 23, 2009

Noynoy vs Villar for President

Dalawa na lang ang pinagpipilian. Kung ngayon ang eleksyon, si Noynoy ang iboboto ko. Sa bahid ng korupsyon ang pinagbabasehan ko. Mukhang malinis si Noynoy.

Kahit mahina ang makinarya ng LDP. Kumpara sa Nacionalista. Mukhang lyamado si Aquino sa kundi sa Luzon ay sa probinsya ko.

Hintayin natin ang susunod na mangyayari. Next year na iyan.

Thursday, May 14, 2009

Philippine Presidentiables

The election is near and almost everyone wants to be the next president of the Philippines. Everyone is positioning, they all do gimmicks and pr. Nangunguna si Mar dahil patok ang ginawa nila ni Korina sa Wowowee. Si Kiko Pangilinan sa Rock concert naman. Si Noli kailan naman kaya siya kikilos? Si Ping Lacson at Manny Villar patuloy pa rin ang giyera. Si Chiz Escudero nangunguna din sa survey. Si Bayani mukhang tagilid dahil nakilala siya ng lahat bilang berdugo sa MMDA. Si Loren naman mukhang tagilid din.

Sino sa kanila ang iboboto mo? Kandidato na din kaya ako?

Monday, May 4, 2009

Great Day for the Philippines

Imagine-in mo na lang ang pakiramdam ng Pinoy kung kabaliktaran ang naging resulta. Hehehe! Ha, ang sarap ng pakiramdam at nanalong muli ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Napakagaling talaga ni Pacquiao at ng Team niya. Lalo na ang trainig team niya. Sa pangunguna ni Freddie Roach. Si Roach ang binira nang binira ng Traners ni Hatton. Ngayon, napatunayan kung sino ang mas magaling na trainer. Kinain ni Mayweather ang mga sinabi niya.

Proud ang Philippines sa pagkapanalo ni Pacman.

Friday, April 17, 2009

Kaibahan ng First sa Second

Naisip mo na ba ito? Bakit ang 1st placer namumuhay lang ng pangkaraniwan at ang second placer, madalas ay mayaman kaysa sa 1st placer? Kung bakit ang salutatorian sa School ay madalas tagumpay sa buhay kumpara sa valedictorian. Kung bakit ang 2nd place sa engineering board exam ay nagiging mas nakakaangat sa naging topnotcher sa licensure exam nila.

Alam mo ba kung bakit? Dahil may gusto pang patunayan ang second placer. May gusto pa siyang abutin. May inaasam siyang tagumpay. Uhaw siya. Samantalang ang first placer, maaga siyang nakuntento. Ang akala niya narating na niya ang tugatog ng tagumpay.

Isang magandang araw mula sa Rizal.

Wednesday, March 18, 2009

Kapwa ko Engineer

Matagal akong nawala. Ako'y nagbabalik mga kapwa ko Engineer. Sabi ko nga sa sarilli ko, "nga pala napapabayaan ko na ang blog ko."

Asar. Hehehe. Cesar Asar.

Sabi nga ng kaibigan kong holdaper, hirap daw ng trabaho niya ngayon dahil sa krisis na pinansyal sa US. Pati mga hinolholdap niya apektado. Hahaha. Joke lang! Wala akong kaibigan na holdaper.

Hirap ng buhay talaga. Halos lahat ng kompanya apektado. Dito sa Rizal madami na ding natanggal sa trabaho. Masyadong malawak ang epekto ng Crisis sa US.

At ang nakakagulat nito ang US may utang na sa China. Kakaiba. Ganoon na ba sila kahirap? Sa China na sila may utang.

Siyempre lahat, kahit engineer natatanggal sa trabaho. Makikita mo sila, nagbibilang na lang ng poste dito sa Rizal.

Sana naman, itong taon na ito, mahinto na ang financial crisis.

Thursday, February 19, 2009

Numero sa Engineer

Akala nila numero lang ang engineering. Computation, pagsusukat, pag-i-estima, ang akala nila ganoon lang kasimple. Ganoon nga ba? Malay ko. Hehehe.

Napapanood ko sa TV ang Extreme Engineering. Magaling ang mga ginagawa nila doon. Ipinapakita nila ang mga nangyayari at kung gaano kahirap imaniobra ang mga proseso ng pagkakagawa. Maikukumpara mo ang mga ginagawa dito sa Pilipinas. Kung gaano sila ka-advance kumpara sa atin.

Magaling ang mga engineer sa Pilipinas. Ang problema lang kung ikucompare mo sa ibang bansa, mas may pagkakataon sila na makakuha ng experience sa paggawa ng mga katulad ng mga nasa TV. Experience sa paghawak ng proyektong makabago, iyon.

Isa sa itinuturo noong bata pa ako na uunlad ang Pilipinas. Pero tignan mo't engineer na ako't lahat, ganoon pa din tayo kahirap. Kahit sa larangan ng enhinyero, apektado. Ba eh, wala tayong pagkakataon, walang tsansa dahil wala eh, kung tulad din lang ng mga ibinoboto natin ang hahawak sa ating bansa wala tayong mapapala. Dolyar pa ang kinukurakot ng mga pulitiko natin dito sa Pinas.

Iyon, proud na proud pa sila. Proud sila na ang mga engineer sa Pilipinas ay nangingibang-bansa. Ano nga naman ang aasahan mong kita dito sa Pinas. Ikumapara mo sa suweldo ng engineers sa ibang bansa. At proud na proud pa ang lider natin sa kahirapan ng bansa.

Ewan ko nga ba.